25 bahay natupok ng apoy sa Maynila

By Rhommel Balasbas January 12, 2019 - 01:39 AM SHARE(S):

Natupok ng apoy ang nasa 25 bahay sa Baseco compound Tondo, Maynila araw ng Biyernes.

Ayon kay Fire Officer 1 Jeffrey Regulto, nagsimula ang sunog alas-10:58 ng umaga at umabot sa ikatlong alarma alas-11:07 ng umaga.

Makalipas ang isang oras ay naapula naman agad ito.

Animnapung pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na patuloy na iniimbestigahan kung ano ang pinagmulan.

Samantala, ayon kay Regulto, nasa P50,000 ang pinsala sa ari-arian ng insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.