Dalawang hinihinalang terorista ang nadakip ng pulisya noong Kapaskuhan ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sa impormasyon na inilabas ng NCRPO, isang suspek na nakilalang si Sudais Asmad alyas ‘Abu Nas’ ang inaresto sa Binondo noong December 20.
Si Asmad ay ang ‘most wanted’ member ng Abu Sayyaf group at konektado sa pagkidnap sa 15 empleyado ng Golden Harvest Plantation sa Lantawan, Basilan taong 2011.
Samantala, ilang araw makalipas ang Pasko, naaresto naman si Jeran Aba alyas ‘Abu Sinan’ sa Quiapo na nakatakda sanang mambomba.
Si Aba ay umaming miyembro ng Maute Terror group at sumama sa giyera sa Marawi noong 2017.
Dati rin anya siyang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nakuhaan ito ng baril at granada nang madakip.
Ang dalawa ay kasalukuyang nasa kustodiya ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa.