Pope Francis bibisita sa Romania

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 08:25 PM SHARE(S):

Nadagdagan pa ang biyahe ni Pope Francis para sa taong 2019.

Inaunsyo ng Vatican na sa May 31 hanggang June 2 nakatakda ang pagbisita ng Santo Papa sa Romania.

Bibistahin ni Pope Francis ang capital na Bucharest, ang Iasi sa northeastern Romania na kilala sa mga Orthodox Churches at mga monateryo, ang Blaj, at ang Catholic Church doon.

Ksama din sa pupuntahan ng Santo Papa ang isang Marian Shrine.

Ang huling Santo Papa na bumisita sa Romania ay si St. John Paul II noong 1999.

Pata sa unang anim na buwan ng taong 2019, nakalinya ang Panama, UAE, Morocco, Bulgaria at Macedonia sa mga pupuntahan ni Pope Francis.

TAGS: pope francis, Romania, Vatican, pope francis, Romania, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.