Dating TESDA chief Syjuco Jr., pinayagan ng Sandiganbayan na palawigin ang pananatili sa Singapore

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 08:10 PM

Pinayagan ng Sandiganbayan ang hirit ni dating Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) chief Augusto Syjuco Jr. na palawigin ang kaniyang pananatili sa Singapore kung saan siya sumasailalim sa chemotherapy.

Inaprubahan ng Sandiganbayan 1st division ang urgent motion ng kampo ni Syjuco.

Si Syjuco ay nasa Singapore na makaraang aprubahan ng Sandiganbayan ang orihinal na hirit niya na Jan. 3 hanggang Jan 14 na pananatili doon.

Sa kaniyang apela, hiniling ni Syjuco na payagan pa siyang makapanatili sa Singapore hanggang Jan. 18 para makumpleto niya ang gamutan.

Ipinaliwanag ni Syjuco na may mga araw kasi na hindi naging available ang kaniyang duktor.

Limang araw matapos makabalik ng Pilipinas inatasan ng Sandiganbayan si Syjuco na ipresenta ang sarili sa division clerk of court.

TAGS: Augusto Syjuco, sandiganbayan, Technical Education Skills and Development Authority, Tesda, Augusto Syjuco, sandiganbayan, Technical Education Skills and Development Authority, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.