Pinoy na estudyante inaresto at nakulong sa Hong Kong matapos mahulihan ng bawal na gamit

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 07:56 PM

Isang Pinoy na estudyante na patungo sa Canada ang inaresto at nakulong ng ilang araw sa paliparan sa Hong Kong matapos na makitaan ng ipinagbabawal na gamit sa kaniyang bagahe.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) may nakitang extendable batons sa check-in luggage ng hindi pinangalanang estudyante.

Ito ay ikinukunsidera umanong dangerous weapon sa Hong Kong.

Ayon kay Consul General Antonio Morales, ikinulong ang nasabing estudyante sa Hong Kong noong Jan. 8.

At ngayong araw, Jan. 11 ay pinayagan na rin itong makaalis matapos tulungan ng konsulada ng Pilipinas.

Kasabay nito pinaalalahanan ng DFA ang mga Pinoy na bibiyahe sa Hong Kong na huwag magdadala ng mga bawal na gamit.

Ang mga personal defense weapons gaya ng stun guns, pepper spray, tear gas, extendable batons, flick knives, at knuckedusters ay bawak sa Hong Kong.

TAGS: DFA, Filipino Student arrested in Hong Kong, DFA, Filipino Student arrested in Hong Kong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.