FHM UK, magsasara na

 

Mula sa Google

Inanunsyo na ng FHM United Kingdom ang pagsasara ng sikat na men’s magazine sa pagtatapos ng taong ito.

Sa isang pahayag, kinumpirma ng Bauer Media, na naglalathala ng FHM UK na bukod sa FHM, kanilang sususpendihin na rin ang publikasyon ng ZOO magazine.

Paliwanag nito, mula sa pagbabasa ng magazine, nalipat na ang atensyon ng mga kalalakihan sa online at mobile kaya’t bumagsak ang bentahan ng mga magazine nitong mga nakalipas na taon.

Taong 1985 nang mabuo ang FHM o For Him Magazine sa UK na dating inilalathala sa 27 bansa.

Ngunit dahil sa internet, bumaba ang bentahan ng FHM at ng marami pang publikasyon.

Ang FHM ang nagpasikat ng listahan ng ‘100 Sexiest Women In the World’.

Sa kabila ng pagsasara ng kanilang magazine, tuloy naman ang online version ng FHM.

Una nang nag-abiso kamakailan na hihinto na rin ng publikasyon ang sikat din na men’s magazine na ‘Playboy’.

Read more...