Banat ng mga kritiko hindi nakaaapekto sa ratings ng pangulo – Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 07:09 PM SHARE(S):

Walang epekto sa ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga banat sa kaniya ng mga kritiko.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa kabila kasi ng maraming batikos, nananatiling mataas ang kaniyang trust at approval ratings.

Reaksyon ito ni Panelo sa inilabas na latest survey ng Pulse Asia kung saan lumitaw na 81 percent ang nakuhang approval rating ng pangulo at 76 percent naman ang kaniyang trust rating.

Sinabi ni Panelo na patunay lamang ang resulta ng survey na maraming Pinoy ang kuntento sa pamumuno ng pangulo.

Patunay din aniya ito na binabalewala lang ng publiko ang mga banat laban sa pangulo.

TAGS: Approval Rating, president duterte, pulse asia, Trust Ratings, Approval Rating, president duterte, pulse asia, Trust Ratings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.