Mahigit P2 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel sa susunod na linggo; mahigit P1 naman sa gasolina

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 06:56 PM

Big-time oil price hike ang ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Matapos ang naging resulta ng trading sa nakalipas na mga araw mas lalo pang lumaki ang estimated na oil price hike na ipatutupad sa Martes.

Ayon sa kumpanyang Jetti Petroleum, nasa pagitan ng P2.00 kada litro hanggang P2.05 kada litro ang madaragdag sa diesel.

P1.25 naman hanggang P1.30 kada litro ang madaragdag sa presyo ng gasolina.

Ang nasabing dagdag-presyo ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Bukod pa rito ang ikalawang bahagi ng excise tax na inuumpisahan na ring ipatupad ng ilang kumpanya ng langis.

TAGS: BUsiness, estimated oil price, oil price, Radyo Inquirer, BUsiness, estimated oil price, oil price, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.