Kidapawan, North Cotabato niyanig ng lindol; Intensity III naitala sa Kidapawan City

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 05:39 PM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang Kidapawan, North Catabato.

Naitala ang epicenter ng lindol sa 11 kilometers northeast ng Kidapawan.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 5:24 ng hapon, Biyernes, Jan. 11.

May lalim na 1 kilometer lang ang lindol at tectonic ang origin.

Dahil sa pagyanig, naitala ang Intensity III sa Kidapawan City.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

TAGS: earthquake, Kidapawan City, North Cotabato, Radyo Inquirer, earthquake, Kidapawan City, North Cotabato, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.