Los Baños, Laguna niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 05:29 PM SHARE(S):

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang Los Baños, Laguna.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig alas 5:15 ng hapon, Biyernes, Jan. 11.

Naitala ang epicenter ng lindol sa 9 kilometers northwest ng Los Baños.

May lalim na 21 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na intensities bunsod ng naturang lindol:

Intensity III: Los Baños, Calamba City at Lipa City
Intensity II: Tanauan City
Intensity I: Tagaytay City

TAGS: earthquake, laguna, Los Banos, phivolcs, earthquake, laguna, Los Banos, phivolcs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.