Sec. Diokno, kaniyang anak, at in-laws inimbitahan sa pagdinig sa Kamara
Inimbitahan ng Kamara si Budget Secretary Benjamin Diokno, anak nitong si Charlotte Justine at mga in-laws na mga incorporators ng Aremar Construction para dumalo sa pagdinig ng alegasyong scam sa mga flood control projects.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang imbitasyon ay ginawa ng House Committee on Rules na kanyang pinamumunuan.
Ang mga Diokno anya at mga may-ari ng Aremar ay pinadadalo bilang resource persons sa hearing sa Martes January 15.
Nagpadala tin ang komite ng mga subpoena sa mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Budget and Management (DBM).
Imbitado rin anya ang mga indibidwal na nagsisilbing liaison officer ng C.T. Leoncio Construction na nakakakuha ng mga kontrata sa gobyerno.
Ayon kay Andaya, umaasa sila ng kooperasyon at buong testimonya ng mga inimbitahan sa pagdinig.
Inaasahan ng komite na magbibigay ang mga inimbitahan ng ebidensya na magbibigay linaw sa alegasyon ng umano’y maanomalyang paggamit ng pondo ng DBM at umano’y kwestyunableng alokasyon sa DPWH na ayon kay Andaya ay natuklasan niya sa nakalipas na hearing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.