Bagong kasong kinakaharap ni Sen. Trillanes kagagawan umano ni Pang. Duterte

By Len Montaño January 11, 2019 - 04:13 PM

Sinisi ni Senator Antonio Trillanes IV ang tinawag niyang “baliw” na si Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong kaso na inihain laban sa kanya sa korte sa Pasay City.

Reaksyon ito ni Trillanes matapos siyang sampahan ng Pasay City Prosecutor’s Office ng kasong grave threats sa Branch 47 ng Pasay Metropolitan Trial Court.

Sa isang statement sinabi ng senador na talagang binaligtad na umano ni Duterte ang hustisya sa Pilipinas.

Ayon kay Trillanes, si Duterte ang nagpapapatay sa mga ordinaryong Pilipino, pinapa-rape ang mga babae sa mga sundalo, pinapa-kidnap at torture ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) at pinapa-holdap ang mga obispo pagkatapos ay siya ang pinakasuhan sa mga bata umano ng Pangulo.

Gayunman sinabi ng mambabatas na haharapin niya ng patas ang kaso gaya ng iba pang anya’y harassment cases laban sa kanya.

Giit ni Trillanes, ang pagbalik niya sa bansa mula sa mga aktibidad niya sa ibang bansa ay bilang patunay na hindi siya takot sa administrasyon.

 

TAGS: duterte, trillanes, duterte, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.