Panibagong dagdag-sahod sa mga manggagawa ng gobyerno target ipatupad ng DBM sa 2020

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 03:39 PM

Pag-aaralan ng pamahalaan ang muling pagbibigay ng dagdag-shod sa mga manggagawa ng gobyerno sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, kukuha ng independent firm ang Governance Commission for GOCCs para mapag-aralan ang kasalukuyang wage structure ng mga government worker.

Ikukumpara ang salary structure sa kanilang counterpart sa private sector.

Ang magiging resulta ng pag-aaral ay gagamitin ng DBM para makabuo ng panibagong salary hike schedule para sa mga manggagawa ng gobyerno na target maipatupad sa 2020.

Sinabi ni Diokno na mayroon nang pondong nakalaan para sa pagsasagawa ng pag-aaral.

Bago matapos ang Hunyo ngayong taon, matatapos ang pag-aaral kaya sa 3rd quarter ng taong 2019 ay inaasahang mailalabas na ng DBM ang panukala para sa panibagong dagdag-sahod.

TAGS: government workers, salary hike, government workers, salary hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.