1.7M na Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo nagparehistro para sa May 2019 elections – Comelec
Mahigit 1.7 million na mga Filipinos sa ibang bansa ang naparehistro na para sa May 2019 midterm elections.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, sa ngayon mayroon nang 1,789,823 na rehistradong overseas Filipino voters.
Malaki ang naitalang pagtaas ng mga botanteng Pinoy sa abroad dahil noong 2016 elections, 1,006,747 lamang ang nagparehistro.
Sinabi ni Jimenez na marahil tumaas ang interest ng mga Pinoy na nasa ibang bansa na makilahok sa electoral system matapos ang 2016 elections.
Nakapagtala ng pinakamalaking pagtaas ng bilang ng rehistradong botante sa Middle East at sa Africa na mayroong 889,114 na botante.
Sa Asia and Pacific ay mayroong 388,619, sa Americas ay mayroong 337,060 na botante at sa Europa ay may nagparehistro na 175,030 na mga Pinoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.