Nangangahulugan ito ng dagdag na P2.24 sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel o gasolina.
Ayon sa pamunuan ng Shell, sa nasabing bilang, 72 gasolinahan ang nasa Mindanao, 27 sa Luzon at 9 sa Visayas.
Wala pa namang gasolinahan sa Metro Manila ang Shell na nagpapatupad ng excise tax.
Ibig sabihin ang mga gasolinahan nila sa Metro Manila ay mayroon pang mga lumang stocks ng produktong petrolyo.
Sa susunod na linggo maliban sa excise tax ay mayroon ding nakaambang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo nang dahil sa pagtaas ng presyo sa world market.
READ NEXT
Opisyal ng MPD na inireklamo ng pananakit sa mga kapwa pulis nuong traslacion, sinibak sa pwesto.
MOST READ
LATEST STORIES