Mahigit 100 gas stations ng Shell napatupad na excise tax

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 02:52 PM SHARE(S):

Nasa isangdaan at pitong gasolinahan na ng Shell ang nagpatupad ng dagdag na excise tax sa kanilang produktong petrolyo.

Nangangahulugan ito ng dagdag na P2.24 sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel o gasolina.

Ayon sa pamunuan ng Shell, sa nasabing bilang, 72 gasolinahan ang nasa Mindanao, 27 sa Luzon at 9 sa Visayas.

Wala pa namang gasolinahan sa Metro Manila ang Shell na nagpapatupad ng excise tax.

Ibig sabihin ang mga gasolinahan nila sa Metro Manila ay mayroon pang mga lumang stocks ng produktong petrolyo.

Sa susunod na linggo maliban sa excise tax ay mayroon ding nakaambang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo nang dahil sa pagtaas ng presyo sa world market.

TAGS: excise tax, oil price, Radyo Inquirer, Shell, excise tax, oil price, Radyo Inquirer, Shell

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.