Opisyal ng MPD na inireklamo ng pananakit sa mga kapwa pulis nuong traslacion, sinibak sa pwesto.

By Ricky Brozas January 11, 2019 - 02:38 PM

Inalis na sa kanyang pwesto sa Gandara Police Community Precinct (PCP) ang deputy commander nito makaraang ireklamo ng pananakit sa mga bagitong pulis noong Traslacion ng Nazareno.

Ayon kay National Capital Region Police Office chief Guillermo Eleazar, inilagay muna sa floating status sa MPD Headquarters Support Unit si Chief Insp. Alden Panganiban habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa kaniya.

Si Panganiban ay inireklamo ng tatlong bagitong pulis na bahagi ng augmentation force ng NCRPO para sa traslacion.

Batay sa reklamo, nainis umano si Panganiban sa kanila nang hindi nila makontrol ang pagdagsa ng mga deboto ng Nazareno sa kanilang pwesto sa Escolta.

Pinagpapalo umano sila ni Panganiban na nagresulta sa pagkapasa at pamamanhid ng kanilang mga daliri at kamay.

Nilinaw naman ni Eleazar na wala pang formal complaint na inihahain ang mga nagrereklamong pulis.

TAGS: MPD, NCRPO, Radyo Inquirer, MPD, NCRPO, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.