Mahigit 1,000 rebelde na nagbalik-loob sa gobyerno, tumanggap ng pinansyal na tulong
Mahigit 1,000 rebeldeng sumuko ang nakatanggap na ng tulong pinansyal mula sa gobyero.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), 1,117 na ang tumanggap ng financial assistance na pawang mga dating miyembro ng communist movement.
Ito ay mula noong July 2016 hanggang Dece,ber 21, 2018.
Sinabi ng DILG na nakinabang ang mga surendereers sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan na bahagi ng Task Force Balik Loob Program.
Umaasa naman si Interior Sec. Eduardo Año na ang positibong resulta ng pagsukong ito ng mga rebelde ay makapanghihikayat sa iba pa nilang kasamahan na magbalik-loob na rin.
Sa datos ng DILG, karamihan sa mga sumukong rebelde ay mula sa Davao Region na umabot sa 361, sinundan ng Soccsksargen – 166, at Caraga – 149.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.