Arroyo sa mababang trust rating: Hindi na bago sa akin ‘yan

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 01:59 PM SHARE(S):

Hindi na bago kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang pagkakaroon ng mababang trust rating.

Reaksyon ito ni Arroyo matapos lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na siya ang least trusted na government official.

Sinabi ni Arroyo na hindi na bago sa kaniya ang mababang rating dahil bugbog na siya rito noong siya pa ang pangulo ng bansa.

Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa ambush interview sa kaniyang pagbisita sa coastal barangay sa Sasmuan, Pampanga.

Ayon kay Arroyo sa halip na intindihan ang resulta ng survey, pagtutuunan na lang niya ng pansin ang kaniyang trabaho.

TAGS: approval rating pulse asia, Gloria Arroyo, Trust Rating, approval rating pulse asia, Gloria Arroyo, Trust Rating

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.