Comelec pinag-aaralan na ang guidelines para sa campaign giveaways

By Jan Escosio January 11, 2019 - 12:25 PM

Pinag-iisipan pa ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalabas ng listahan ng mga campaign giveaways na maaring ipamahagi ng mga kandidato sa papalapit na midterm elections.

Ito ay kaugnay sa naging viral social media na larawan ng panty na may nakatatak na pangalan ng isang kandidato.

Sinabi ni Comelec Comm. Rowena Guanzon na nakakabahala ang kakaibang campaign giveaway at aniya dapat ipagbawal ang mga maituturing na mahalay o malaswa.

Una nang sinabi ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, tali ang kanilang mga kamay sa usapin ng premature campaigning.

Aniya nakasaad sa RA 9369 na maituturing lang na opisyal na kandidato ang naghain ng certificate of candidacy sa simula ng campaign period.

Sa mga national candidates maari na silang opisyal na mangampaniya sa Pebrero 19, samantalang sa Marso 29 naman ang mga lokal na kandidato.

TAGS: campaign giveaways, comelec, Radyo Inquirer, campaign giveaways, comelec, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.