Sen. Trillanes nahaharap sa panibagong kaso dahil sa pananakot umano sa isang labor official
Nai-raffle na sa isang korte sa Pasay City ang panibagong kasong grave threat na kinakaharap ni Senator Antonio Trillanes IV.
Binigyan ng korte ng 10 araw si Trillanes para magsumite ng kanyang counter affidavit.
Sa isang pahinang kautusan ni Judge Joeven Dellosa ng Pasay Metropolitan Trial Court Branch 47, maaring isabay na rin ni Trillanes sa kanyang counter affidavit ang affidavit ng kanyang mga testigo.
Gayundin, may 10 araw din ang panig ng prosekusyon para magsumite naman ng kanilang sagot sa isusumiteng salaysay ni Trillanes.
Ang kaso ay kaugnay sa reklamo ni Labor Usec. Jing Paras matapos umanong sabihan siya ni Trillanes ng “Yayariin kita” sa loob mismo ng Senate Session Hall.
Itinakda naman ni Dellosa ang unang araw ng pagdinig sa kaso sa darating na Pebrero 15 ganap na alas 8:30 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.