Work from home law makababawas sa pagsisikip ng traffic
Tiwala ang Malakanyang na makatutulong ang naisabatas na Work from home law para mabawasan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa Metro Manila at iba pang urban areas sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malaki ang maitutuong ng RA 11165 o Telecommuting Act.
Sa sandaling maisakatuparan na ang fill implementation ng batas, sinabi ni Panelo na maka-aambag ito para mabawasan ang masikip na daloy ng traffic.
Mabibigyan din aniya nito ng patas na trato ang mga empleyado ng pribadong sektor na ngayon ay maari nang makapagtrabaho nang hindi umaalis ng kanilang bahay.
Sinabi ni Panelo na ang paglagda ni Pangulong Duterte sa nasabing batas ay pagkilala sa makabago at lumalaking bilang ng Filipino workforce.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.