Trust at approval ratings ni Pangulong Duterte nanatiling mataas – Pulse Asia
Mataas pa rin ang approval at trust ratings na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa latest na survey ng Pulse Asia.
Isinagawa ang survey mula Dec. 14 hanggang 21 kung saan lumitaw na 81 percent ang nakuhang approval rating ng pangulo.
Mas mataas ito ng 6 percent kumpara sa September 2018 rating ng pangulo.
Habang tumaas din ng apat na puntos ang kaniyang trust rating na umabot na sa 76 percent mula sa dating 72 percent lamang.
Si Vice President Leni Robredo naman ay nakakuha ng 62 percent na approval rating at 56 percent na trust rating.
Si Senate President Tito Sotto naman ay mayroong 76 percent na approval rating at 66 percent na trust rating habang si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang nakakuha ng pinakamababang ratings.
27 percent lamang ang approval rating ni Arroyo at 21 percent ang trust rating.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.