Most wanted criminal sa Japan na naaresto noong Disyembre ipatatapon na palabas ng bansa

Nilagdaan na nina Immigration Commissioner Jaime Morente at Deputy Commissioners J. Tobias Javier at Ronaldo Ledesma ang deportation order para kay Misao Kaminsukasu alyas Misao Koyama at Takeshi Koyama.

Ang nasabing Japanese national ay ipatatapon na palabas ng bansa ngayong araw at pababalikin ng Japan kasama ng mga arresting Japanese authorities sakay ng Nippon Airways Flight NH 870.

Ito ay matapos ibaba na ng immigration bureau ang utos para sa summary deportation kay sa dayuhan na nahuli sa Makati City noong December 18 dahil sa multi-billion yen na swindling case nito sa Japan.

October 13 nang dumating sa bansa si Kaminsukasu para magtago.

Gayunman, napaso na ang 30 days tourist visa na hawak nito.

Isasailalim na rin sa blacklist ang dayuhan para hindi na makabalik pa ng bansa.

Read more...