Heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao
Nakararanas ng malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Mindanao dahil sa trough ng Low Pressure Area.
Sa abiso ng PAGASA, alas 10:00 ng umaga, itinaas ang yellow warning level sumusunod na lalawigan:
• Surigao del Sur
• Agusan del Norte
• Agusan del Sur
• Davao Oriental
• Compostela Valley
• Davao del Norte
Ang nasabing mmga lugar ay ilang oras nang inuulan kaya nagbabala ang PAGASA ng posibilidad ng pagkakaroon ng flashflood at landslides.
Samantala, ang iba pang lugar sa Mindanao ay nakararanas naman ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lugar:
• Misamis Oriental
• Camiguin
• Iligan City, Lanao del Norte
• Surigao del Norte
• Bukidnon
• Davao City
• Malita, Davao Occidental
• Tampakan, Tupi, Polomolok, at Banga sa South Cotabato
Ang nararanasang pag-ulan sa nasabing mga lugar ay maaring tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras pa.
Pinayuhan ang mga residente na mag-antabay sa susunod pang mga abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.