Operational routes ng P2P buses umabot na sa 37 ayon sa DOTr
Mula sa dating dalawang ruta lamang noong taong 2016 ay umabot na sa 37 ang operational routes ng Premium Point-to-Point (P2P) bus.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) dati ay Fairview to Makati at Makati to Ortigas lamang ang ruta ng P2P. Pero unti-unti itong napalawig at nadagdagan ang mga ruta na umabot na sa mga karatig na lalawigan.
Maliban sa mga ruta sa Metro Manila, may mga ruta na rin ng P2P sa Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pangasinan, Zambales at Pampanga.
Sinabi ng DOTr na mayroon pang tatlong ruta ng P2P na nakatakdang buksan upang mabigyan ng mas mabilis, ligtas at kumportableng biyahe ang mga pasahero.
Narito ang mga kasalukuyang rutang sineserbisyuhan ng mga P2P bus:
• Fairview – Makati CBD
• Ortigas CBD – Makati CBD
• Alabang – BGC, Taguig
• North Edsa – Ortigas CBD
• North Edsa – Makati CBD
• Alabang – Makati CBD
• Alabang – Ortigas CBD
• Sta. Rosa – Makati
• Alabang – Bacoor
• Alabang – Dasmariñas
• Bacoor – Makati
• Dasmariñas – Makati (via Daanghari)
• Taguig – Ortigas
• Taguig – Makati
• Clark – North Edsa
• Clark – NAIA
• Clark – Lubao, Pampanga
• Antipolo – Ortigas
• Antipolo – Makati
• Cainta – Makati
• Sucat – Makati
• PITX – Makati
• Katipunan – Makati CBD
• Eastwood – Makati CBD
• Clark – Dagupan, Pangasinan
• Clark – Subic, Zambales
• Malolos – North EDSA
• Bocaue/Sta. Maria – North EDSA
• NAIA – Alabang
• NAIA – Sta. Rosa, Laguna
• NAIA – Cubao
• NAIA – Ortigas
• Sucat – Lawton
• Alabang – Lawton
• Noveleta – Makati
• Imus – Makati
• Las Piñas – Makati
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.