11 arestado sa pagpapanggap na tauhan ng PNR

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 10:33 AM SHARE(S):
PNR Photo

Arestado ang labingisang katao na nagpapanggap na mga tauhan ng Philippine National Railways (PNR).

Nahuli sa akto ang mga suspek na binabaklas at ninanakaw ang mga bakal at iba pang materyales sa riles ng PNR Carmona Spur Line sa Cavite.

Pawang nakasuot pa ng t-shirt na may logo ng PNR sa likod ang mga suspek.

Ang PNR Carmona Branch Line ay isinasaayos dahil nakatakda itong buksan ngayon taon para sa rutang Carmona – Dela Rosa.

Kasabay nito ay hinikayat ng PNR ang publiko na agad iulat sa mga otoridad kapag may nakikita silang mga indibidwal na kahina-hinala ang kilos at kumukuha ng mga gamit sa riles.

TAGS: dotr, Philippine National Railways, Radyo Inquirer, dotr, Philippine National Railways, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.