Drug suspect patay sa shootout sa Toledo City, Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 10:25 AM SHARE(S):
CDN photo
Patay ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis na magsisilbi ng warrant of arrest sa kaniya sa Toledo City sa Cebu.

Kinilala ang nasawi na si Remegio Atelio, 54 anyos at residente ng Sitio Canapnapan, Campo 8 sa Toledo City.

Nagtungo ang mga tauhan ng Provincial Intelligence Branch at Provincial Drug Enforcement Unit sa bahay ni Atelio para isilbi ang warrant or arrest laban dito.

Gayunman, papalapit pa lang ng bahay ang mga otoridad ay pinaputukan na sila ng baril.

Tumagal ng 10 minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ni Atelio.

Nakatakas naman ang kasamahan nitong si Jerome Labitad.

Nakuha mula sa bahay ang limang mediu-sized at 25 maliliit na sachet ng shabu, isang M16 riffle, 2 kalibre 45 na baril, isang KG9, isang 9MM caliber at mga bala.

Nang mapasok ng mga otoridad ang bahay ay may nakita ring batang lalaki na edad 10 sa loob na agad dinala sa Department of Social and Welfare Development.

TAGS: cebu, drug suspect, shootout, toledo city, cebu, drug suspect, shootout, toledo city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.