Tanim na marijuana natuklasan sa bahay sa subdivision sa Subic; British at asawang Pinay, arestado

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 09:53 AM SHARE(S):
PDEA PHOTO

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bahay sa loob ng subdivision sa Subic, Zambales.

Sa nasabing bahay na nasa loob ng Magdalena Homes Subdivision natuklasan ang mga pananim na kush o high-grade na marijuana.

Dinakip sa operasyon ang mga suspek na sina Simon Stuart McLaren Watson, 42 anyos at isang British National, at kaniyang live-in partner na Pinay na si Rizza Fernandez, 28 anyos.

Aabot sa 70 paso na may tanim na marijuana ang nasamsam ng PDEA na nasa loob ng kwarto na may aircon pa at sariling bentilador.

Protektado rin ng insulation ang kwartong pinaglalagyan sa mga pananim para hindi mainitan ang mga marijuana.

Inihahanda na ng PDEA ang kasong isasampa laban sa dalawa.

TAGS: Kush, Marijuana, PDEA, Subic, zambales, Kush, Marijuana, PDEA, Subic, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.