Ayon kay Dominique Tuyay, director ng DOLE – Bureau of Local Employment, ipinagpaliban lang nila ang pagsasagawa ng census noong nakaraang Kapaskuhan.
Ayon kay Tuyay nakipag-ugnayan na sila sa mga kinauukulan pang ahensiya para sa gagawing hakbang.
Aniya sasama sa kanila ang Philippine Amusement and Gaming Corp. at Bureau of Immigration (BI).
Paliwanag ni Tuyay layon ng kampaniya na malaman ang eksaktong bilang ng mga banyaga na nagtatrabaho sa Pogo at kung ilan sa kanila ang ilegal.
Dagdag pa nito ang mga mahuhuling nagta-trabaho ng walang Alien Employment Permit o Special Work Permit (SWP) ay posibleng palayasin ng bansa.
Nabunyag sa pagdinig sa Senado na tinatayang higit 119,000 banyaga ang nagta-trabaho sa bansa dahil sa SWP at karamihan sa kanila ay Chinese nationals.
Naniniwala si Sen. Joel Villanueva, chairman ng Committee on Labor, na maraming trabahador sa POGO ang ilegal at naagawan ng trabaho ang libo-libong Filipino.