Pambato ng Pilipinas sa Miss Intercontinental nagwagi ng dalawang special awards

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 09:26 AM SHARE(S):

Nagwagi ng dalawang special awards sa Miss Interncontinental ang pambato ng Pilipinas na si Karen Gallman.

Sa ginanap na media presentation sa Sofitel Philippine Plaza, iginawad kay Gallman ang Standout Beauty at Media Favorite Awards.

Ang 26 anyos na si Gallman ay isang Filipino-Australian.

Ngayong araw irarampa naman ang 86 namga kandidata ang kanilang national costume.

Sa Jan. 16 naman gagawin ang Swimsuit at Evening Gown Competition sa Okada Manila Grand Ballroom.

Ang coronation night para sa Miss Intercontinental ay gaganapin sa Jan. 26 sa Mall of Asia Arena.

TAGS: Karen Gallman, Miss Intercontinental, Radyo Inquirer, Karen Gallman, Miss Intercontinental, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.