Isinagawa ang operasyon mula alas 5:00 ng umaga kahapon, rawng Huwebes hanggang alas 5:00 ng umaga kanina (Biyernes, Jan. 11).
Kabilang sa mga nilabag na ordinansa ng mga dinampot ay smoking ban, paglalakad sa kalye na walang saplot na pang-itaas at pag-inom ng alak sa lansangan.
Ayon kay MPD District Director Senior Supt. Vicente Danao, Jr., ang anti-criminality campaign ay nakalatag 24/7 upang suyurin ang lungsod laban sa mga masasamang elemento.
Pinapurihan naman ni Danao ang mga tauhan ng Raxabago Police Station (PS-1) na nasa ilalim ng pamumuno ni Supt. Reynaldo Magdaluyo; mga kagawad ng Moriones Police Station 2 na pinangangasiwaan ni Supt. Dave Mejia; ang Sta. Cruz Police Station (PS-3) sa pangunguna ni Supt. Julius Caesar Domingo; at mga kagawad ng Sampaloc Police Station (PS-4) sa pamumuno ni Supt. Robert Domingo.
Tiniyak ni Danao na pinaigting ang Anti- Criminality Operations upang maging mapayapa at ligtas ang Maynila.