LeBron James, 1 linggo pang hindi makapaglalaro

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 08:14 AM SHARE(S):
AP photo

Isang linggo pang hindi makapaglalaro si LeBron James dahil sa kaniyang groin injury.

Isasailalim pa sa re-evaluation ang injury ni James sa Miyerkules.

Ibig sabihin, tatlong games pa ng Los Angeles Lakers ang hindi niya mapaglalaruan.

Kabilang dito ang laban ng Lakers sa Utah sa Biyernes, sa Cleveland sa Linggo at laban sa Chicago sa Martes.

Noong araw pa ng Pasko nangyari ang injury ni James sa laban ng Laker sa Golden State Warriors.

 

TAGS: Groin Injury, LeBron James, NBA, Groin Injury, LeBron James, NBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.