Asi Taulava gusto nang magretiro sa PBA

By Jimmy Tamayo January 11, 2019 - 07:57 AM SHARE(S):

Ikinokunsidera na ng PBA player na si Asi Taulava ang pagreretiro sa liga.

Ayon kay Taulava posibleng huling season na niya ngayong taon matapos ang 20 taong paglalaro sa PBA league.

Taong 1999 nang sumabak si Taulava at naglaro sa koponan ng Mobiline.

Naging susi din siya sa kampyunato ng TNT noong 2003 at tinanghal na Most Valuable Player.

Kalaunan ay naglaro si Taulava sa Coca Cola at sa Meralco bagong umalis sa PBA para naman maglaro sa ASEAN Basketball League sa ilalim ng San Miguel Beer.

2013 nang magbalik siya sa PBA para maglaro sa Air21 na ngayon ay NLEX.

Si Taulava ay 45 years old na at pinakamatandang player ngayon sa PBA.

TAGS: Asi Taulava, PBA, Radyo Inquirer, Asi Taulava, PBA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.