Meningococcemia outbreak itinanggi ng Makati Health Department
Itinanggi rin ng Makati City Government ang mga kumakalat sa social media na may outbreak ng meningococcemia sa lungsod.
Ayon kay Dr. Bernard See, Makati Health Department chief, walang naitalang kaso ng nasabing sakit sa Makati City kaya hindi dapat mangamba ang mga residente.
Ayon kay See, sakaling mayroong suspected na kaso ng naturang sakit ay agad itong iimbestigahan upang matukoy kung positibo o hindi.
Pinayuhan din ang mga netizen sa Makati na maging mapanuri sa mga balitang nababasa sa social media.
Kahapon naglabas din ng paglilinaw ang Quezon City Government at sinabing walang katotohanan ang mga balita na may outbreak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.