6 na drug suspek kabilang ang 3 kaanak ni Leo Echegaray, arestado sa buy-bust sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 07:17 AM SHARE(S):

Arestado ang anim na katao sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay San Antonio sa Quezon City.

Ayon kay Supt. Rodrigo Soriano, hepe ng Masampong Police Station, kabilang sa nadakip ay kapatid at pamangkin ni Leo Echegaray.

Sinabi ni Soriano na matagal nang minamanmanan ng pulisya si alyas Mario na pamangkin ni Echegaray dahil nasa drugs watchlist ito ng pulisya.

Nang magpositibo ang buy-bust ay nadakip si Mario kasama ang dalawa niyang kaanak at tatlong iba pa.

Nakuha mula sa kanila ang 5 medium-sized at 3 small-sized na plastic sachet ng shabu.

Aminado naman si Mario na siya ay nagbebenta ng ilegal na droga at parokyano niya ang ilang kaanak na gumagamit ng shabu.

TAGS: buy bust, Leo Echegaray, quezon city, buy bust, Leo Echegaray, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.