Nagtungo sa Texas si US President Donald Trump para isulong ang kaniyang proyektong pagtatayo ng border wall sa Mexico.
Ayon kay Trump, kailangan ang paglalagay ng mas maraming barriers sa Mexico para maproteksyunan ang Amerika sa tinawag niyang ‘karahasan’ na ginagawa aniya ng mga ilegal immigrant.
Pinulong din ni Trump ang mga border patrol officers sa lugar.
Magugunitang hindi pa rin inaaprubahan ng oposisyon ang hirit na $5.7 billion na pondo ni Trump para maitayo ang border.
READ NEXT
Pilipinas hindi na bibili ng armas at military equipment sa U.S. ayon kay Pangulong Duterte
MOST READ
LATEST STORIES