Driver ng kotse sugatan matapos bugbugin ng motorcycle rider na kaniyang nabangga

By Dona Dominguez-Cargullo January 11, 2019 - 06:34 AM SHARE(S):
File Photo

Sugatan ang isang lalaking driver ng kotse matapos itong bugbugin ng driver ng motorsiklong kaniyang nabangga.

Ayon sa biktima, patawid siya galing Fugoso St. sa Sta. Cruz Maynila nang makasalpukan niya ang motorsiklo sa bahagi ng Rizal Avenue.

Sa lakas ng pagkakabangga nakita sa CCTV na tumilapon pa ang rider ng motorsiklo.

Pero agad tumayo ang rider, kinuha ang kaniyang baril at sinugod ang driver ng kotse.

Doon na siya sinuntok sa ulo ng rider. Sinipa din ang kaniyang kotse.

Matapos ito ay mabilis na umalis ang rider.

Desidido ang driver ng kotse na sampahan ng kaso ang motorcycle rider.

TAGS: accident, CAR, manila, motorcycle, rider, accident, CAR, manila, motorcycle, rider

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.