Total firecracker ban nais ipatupad ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas January 11, 2019 - 04:31 AM

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglalabas siya ng isang executive order (EO) upang tuluyan nang ipagbawal ang mga paputok sa bansa.

Sa talumpati sa pamamahagi ng housing units sa San Jose del Monte Bulacan, sinabi ng pangulo na maaga siyang maglalabas ng EO bilang babala sa lahat.

“I will issue the executive order this early para warning na doon sa lahat that I am banning firecracker altogether,” ani Duterte.

Hindi anya maatim ng presidente na maski isang bata ay maputulan ng kamay dahil lamang sa paputok.

“I will ban firecrackers. Wala na. Maski isang bata mawalan ng kamay. So as a president why would I allow it?” dagdag ng presidente.

Hindi rin umano naniniwala ang presidente na ang ingay ng mga paputok ay makakapagpalayas ng masasamang espiritu.

Matatandaang naglabas ang pangulo ng EO 28 na naglilimita sa paggamit ng paputok at paggamit na lamang ng fireworks sa bawat komunidad.

Ang pahayag ng presidente ay sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga nabiktima ng paputok ngayong taon batay sa datos ng Department of Health (DOH).

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.