3 sugatan sa pagbangga ng kotse sa tricycle sa Quezon City

By Inquirer.net, Rhommel Balasbas January 11, 2019 - 02:41 AM SHARE(S):
Photo courtesy of K R De Asis

Sugatan ang tatlo katao matapos bumangga ang isang kotse sa isang tricycle sa Quezon City, Huwebes ng gabi.

Ayon sa panayam ng INQUIRER.net sa testigo na tumangging pangalanan, nangyari ang insidente sa Sto. Domingo Street corner Calamba Street alas-9:00 ng gabi.

Sa ngayon, hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng tatlong biktima.

Ang kotseng bumangga sa tricycle ay isang silver sedan at may plakang NLO 820.

Sinabi ng testigo na ang drayber ng naturang kotse ay tila lasing at nagtangka pang tumakas.

Gayunman ay napigilan ng mga concerned citizens ang plano sana nitong pagtakas.

Dinala na anya ang drayber sa baranggay para maimbestigahan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.