Reelectionist councilor sa San Fernando Cebu, patay sa pamamaril

By Rhommel Balasbas January 11, 2019 - 02:25 AM SHARE(S):
Inquirer file photo

Nasawi at halos naligo sa sariling dugo ang isang reelectionist councilor sa San Fernando, Cebu matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nakilala ang konsehal na si Reneboy Dacalos, 51 anyos.

Ayon kay San Fernando Police investigator PO3 Edgar Enclonar, nakaupo lamang ang biktima sa tindahan na pagmamay-ari ng kanyang kapatid nang pagbabarilin ito ng dalawang lalaki.

Ang dalawang gunmen na pawang nakatago ang mga mukha sa kanilang helmets ay backriders lamang sa magkahiwalay na motorsiklo.

Isinugod pa ng mga pulis si Dacalos sa ospital ngunit binawian agad ito ng buhay bago pa makarating sa pagamutan.

Nakuha sa crime scene ang basyo ng mga bala ng kalibre .45 na baril.

Ayon kay Enclonar, iniimbestigahan na ang motibo sa krimen at aalamin kung may kinalaman ito sa eleksyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.