Maglive-in partner arestado sa Marikina buy bust

By Rhommel Balasbas January 11, 2019 - 03:33 AM SHARE(S):
Contributed photo

Timbog sa ikinasang buy bust operation ng Drug Enforcercement Unit ng Marikina Police ang isang mag-live in partner sa Barangay Concepcion Uno.

Nakilala ang mga suspek na sina Mia Pauline Miranda, 25 anyos, at George dela Paz, 41 anyos, pawang mga residente ng baranggay.

Nakarating sa mga pulis Huwebes ng hapon ang ulat tungkol sa pagbebenta ng bawal na gamot ni Miranda.

Dahil dito, agad nagkasa ng buy bust operation ang mga pulis para maaresto ang mga suspek.

Nakuha sa mga ito ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P500, buy bust money at isang coin purse.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.