6 na sundalo patay sa pagsabog ng drone ng mga rebelde sa Yemen

By Rhommel Balasbas January 11, 2019 - 01:29 AM SHARE(S):
AFP Photo

Patay ang anim na sundalo matapos pasabugan ng drone ng mga rebelde sa Aden City, Yemen.

Nanonood lamang ang ilang matataas na opisyales ng isang parada nang maganap ang pagsabog.

Ang Houthi rebels ang nasa likod ng pagsabog.

Ayon kay Information Minister Moammar al-Eryani, patunay lamang ang insidente na hindi handa ang mga rebelde sa kapayapaan.

Lalo lamang anya ng mga itong hinihimok ang gobyerno na magsagawa ng mga opensiba.

Kabilang sa mga sugatan ay dalawang mataas na opisyal ng militar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.