Ilang mga atleta, nakilahok din sa Traslacion 2019

By Rhommel Balasbas January 11, 2019 - 01:22 AM SHARE(S):

Ilang mga atleta rin ang nakilahok sa Traslacion ng Poong Itim na Nazareno na dinaluhan ng milyun-milyong deboto.

Siniguro ni dating San Beda Red Lion Borgie Hermida na maipagpapatuloy niya ang kanyang pagsama sa Traslacion na ika-15 taon niya nang ginagawa ngayon.

Si Hermida ay isa nang analyst sa NCAA at kasalukuyang manager ng Bataan Risers.

Ang dati namang manlalaro ng La Salle na si Almond Vosotros ay nagtungo sa Quiapo kasama ang kanyang asawa na si Cess at dalawang-taong gulang na anak na si Caela.

Ang pamilya ng kanyang asawa ay ilang dekada ng deboto ng Poong Nazareno.

Naglalaro na si Vosotros ngayon para sa Caloocan Supremos sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Samantala ang nagbabalik PBA na si Jervy Cruz matapos ang matagal nitong pagkawala dahil sa injury ay nakilahok din sa pagdiriwang ng pista ng Nazareno.

Ang Phoenix star naman na si Calvin Abueva na dati na ring deboto ng Nazareno ay sumampa sa andas ng Nazareno nang makarating ito sa Plaza del Carmen.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.