‘Zero death’ at ‘zero crime’ naitala sa Traslacion 2019 ayon sa PNP

By Len Montaño January 11, 2019 - 12:45 AM SHARE(S):
Kuha ni Jong Manlapaz

Idinekalara ng Philippine National Police (PNP) ang “zero death” at “zero crime” sa Traslacion 2019.

Ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde, naitala naman ang 714 minor injuries sa taunang prusisyon ng Itim na Nazareno.

Tinatayang 1.5 milyong deboto anya ang dumalo sa Traslacion mula Quirino Grandstand hanggang sa Quiapo Church.

Sinabi ni Albayalde na ang maayos na Traslacion ay dahil sa natutunang leksyon ng mga otoridad sa nakalipas na mga taon.

Kumpara anya sa nakaraang Traslacion, maaga ng 1 oras at mas maayos ang Traslacion ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.