Pangulong Duterte nagbantang papatayin ang mga nagpapautang ng 5-6

By Len Montaño January 11, 2019 - 12:00 AM SHARE(S):

Nagbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na papatayin niya ang mga nagpapautang ng 5-6 na anyay nagpapahirap sa mahihirap na mga Pilipino.

Sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng eskwelahan sa Bulacan, sinabi ni Duterte na gusto niyang patayin ang sistema pero kung hindi niya ito mahinto ay ang nagpapautang na lang daw ng 5-6 ang kanyang papatayin.

Binanggit ng Pangulo na sa Davao City ay pinahinto niya ang naturang pautang na lalo anyang nagpapabaon sa mga Pinoy sa utang.

Matatandaan na noong 2016 ay inutos ng Pangulo ang kampanya laban sa 5-6 at binalaan ang mga dayuhan na huwag pumasok sa nasabing negosyo kundi ay ipapaaresto at ipapadeport sila.

Ang 5-6 ay uri ng pautang na ang interest ng inutang ay 20 percent kada buwan na mas mataas kumpara sa pautang sa mga bangko na kalimitang nasa 2 percent kada buwan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.