Dagdag na pension sa mga Pinoy war veterans pirmado na ni Duterte
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na magbibigay ng dagdag na buwanang pension sa mga Filipino war veterans.
Ang nasabing batas na nilagdaan ng pangulo noong nakaraang December 20 ay ang Republic Act No. 11164 na kilala bilang “An Act Increasing the Monthly Old-Age Pension of Senior Veterans”.
Aabot na sa P15,000 ang matatanggap ng mga beterano para sa kanilang buwang old-age pension.
Kabilang dito ang mga buhay na pensionado na beterano mula ng World War II, Korean War at Vietnam War.
Samantala, yung mga hindi naman tumatanggap ng pension mula sa Armed Forces of the Philippines ay magiging P20,000 kada buwan na ang kanilang tatanggaping pension.
Nakasaad sa nasabing batas na hindi saklaw ng dagdag na benepisyo ang mga kaanak ng mga pensionado at hindi ito transferable.
Ang pamimigay ng nasabing dagdag na benepisyo ay pangangasiwaan ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.