Mga tambay pinayuhan ng pangulo na pagnakawan ang mga obispo
Nilinaw ng Malacañang na isa na namang uri ng biro o hyperbole’ ang pinaka-bagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilang mga pari.
Sa kanyang pagdalo sa kaarawan ni Masbate Gov. Antonio Kho, sinabi ng pangulo na may payo siya para sa mga tambay o walang trabaho.
“Kaya pagdating ko sabi ko, ‘Hoy, kayong mga tambay diyan, ‘pag dumaan ‘yang obispo ninyo holdapan ‘yan maraming pera ‘yan p***** i** niya. Patayin mo,” pahayag ng pangulo.
Aminado si Duterte na galit siya sa ilang mga pari dahil sa pakiki-alam ng mga ito sa kanyang istilo ng pamamahala ng bansa.
Hindi rin nagustuhan ng pangulo ang pagbatikos ng mga lider ng simbahang katolika sa kanyang anti-drug campaign.
Dagdag pa ng pangulo, “Itong pari, you know, do not use the pulpit…Magpa-interview ka diyan sa opisina mo. “We do not like the way Duterte is handling the problem because there are so many persons, innocents are killed.” Okay ‘yang ganun.”
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tulad ng mga naunang joke ng pangulo ay hindi dapat seryosohin ang pinaka-bagong pahayag ng chief executive.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.