Nasawing 14 OFWs sa aksidente sa Saudi Arabia, kinumpirma ng DFA

saudi-1
Almowaten photo

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napaulat na pagkamatay ng labing-apat na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) matapos maaksidente ang sinasakyan nilang Coaster sa Al-Ahsa Province, Eastern Region ng Saudi Arabia.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, pauwi na galing sa kanilang pinapasukang engineering contracting company ang mga Pinoy nang mabangga sa isang delivery truck ang kanilang sasakyan na papunta sana sa kanilang tinutuluyang dormitoryo.

Ipinaliwanag ni Jose na nakipag-ugnayan na rin ang Embahada ng Pilipinas sa employer ng mga namatay na mga OFWs.

Tumanggi din ang opisyal na ibigay ang mga pangalan ng mga biktima dahil kailangan muna nilang impormahan ang mga kaanak ng mga nasawi.

Bukod sa mga namatay ilang mga kasamahan din nila ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa Intensive Care Unit ng King Fahd Hospital sa Riyadh.

Read more...