Mga gasoline station na nagpataw na ng excise tax sa kanilang produkto umabot na sa 444 – DOE

By Dona Dominguez-Cargullo January 10, 2019 - 01:02 PM

Umabot na sa 444 ang gasoline stations na nagpataw na ng excise tax sa kanilang produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) sa nasabing bilang, 369 na gasoline stations ay pag-aari ng Petron, 46 ang Shell at 29 ang Flying-V.

Sinabi ng DOE na hindi naman nagsabay-sabay ang pagtaas sa presyo ng gasolina, diesel o kerosene ng nasabing mga gasone station dahil ang pagpapataw nila ng excise tax ay depende sa kung anong produkto nila ang unang naubos ang stocks.

Samantala, sinabi ng DOE na nakapagpalabas na sila ng 30 show cause orders sa mga gasolinahan para pagpaliwanagin ang mga ito kung bakit nagtaas na sila ng presyo dulot ng excise tax.

Mas marami pa rin ang maiisyuuhan ng show cause order ng DOE sa mga susunod na araw.

Kailangan lamang nilang mapatunayan na talagang naubos na ang kanilang imbak ng produktong petrolyo at ang pinatawan ng excise tax ay mga bago nang stocks.

TAGS: excise tax, oil products, Radyo Inquirer, excise tax, oil products, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.